KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hu•là

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsasabi ng maaaring mangyari sa hináharáp.
Ang hulà ng matandang babae ay nagkakatotoo.

2. Palagáy o kurò-kurò tungkol sa isang bagay na hindi matiyak ang katotohanan.
Ang hulà ko ay uulan dahil madilim ang langit.
HAKÀ, PROPESÍYA, LAMBÁNG

Paglalapi
  • • manghuhulà, paghulà: Pangngalan
  • • hinulà, hinuláan, huláan, humulà, magpahulà, mahuláan, manghulà, pahuláan, pahuláin: Pandiwa

hú•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Sayaw ng mga babaeng taga-Hawaii.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?