KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•ngá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Hanging lumalabas sa bibig at ilong.
Masarap langhapin ang hingá ng sanggol.

2. Pagpapások at pagpapalabás ng hangin mulâ sa bagà ng táo o hayop sa pamamagitan ng ilong.
Sunod-sunod ang hingá ko dahil sa págod sa pagtakbo.

3. Pagsasabi o pagtatapat ng sama-ng-loob.

Paglalapi
  • • hingáhan, hiningá, paghingá, pagpapahingá, pahingá, pahingáhan, pamamahingá: Pangngalan
  • • hingahán, humingá, ihingá, magpahingá, pahingahán, pahingahín: Pandiwa
  • • nahingahán: Pang-uri
Idyoma
  • ihingá ang samâ-ng-loob
    ➞ Ipagtapat ang mga hinanakit.
    Sige, sa akin mo ihinga ang samâ-ng-loob mo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?