KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•na•na•kít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
hing+sakít
Kahulugan

1. Anumang bagay na ikinasasamâ ng loob.
Matindi ang hinanakít na naramdaman ng kaniyang kaibígan nang hindi siyá tumupad sa pangako rito.

2. Pagdáramdám na iniuukol sa isang ipinalalagáy na kautangang-loob.
Ang hinanakít palá ng kaibígan ko sa akin ay ang pagsingil ko sa kaniyang utang.

Paglalapi
  • • hinanakítan, paghihinanakít: Pangngalan
  • • ipaghinanakít, maghinanakít, paghinanakítan: Pandiwa
  • • mapaghinanakít: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?