KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•mul•mól

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
hing+bulból
Kahulugan

1. Pag-aalis sa balahibo ng isang ibon.
Mabilis ang himulmól na ginawa ni itay sa manok na natálo sa sábong.

2. Bala-balahibong lumalawit sa naninisnís na damit.
Luma na ang kaniyang damit, kayâ marami na ang himulmól nitó.
LAMUYMÓY, NISNÍS, HILATSÁ, MÚLMOL

Paglalapi
  • • paghihimulmól: Pangngalan
  • • himulmulán, maghimulmól, magkahimulmól, mahimulmól, pahimulmulán: Pandiwa
  • • hímulmúlin: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?