KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hap•dî

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Kirot na nadarama kapag may súgat, lalo na kung nalalagyan ng maálat, maásim, o maangháng na bagay.
Ramdam ko ang hapdî ng súgat ko nang mabasâ ang kamay ko.

Paglalapi
  • • paghapdî: Pangngalan
  • • humapdî, pahapdiín, manghapdî: Pandiwa
  • • mahapdî: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?