KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

han•dú•say

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkakahigâ dahil sa pagkawalâ ng lakas o málay.
Natagpuan sa labas ng bahay nilá ang handúsay na katawan ng laláking lasing.
BULAGTÂ, PAGKABUWÁL, PAGKAHÍLO

Paglalapi
  • • pagkakahandúsay: Pangngalan
  • • humandúsay, ikahandúsay, mahandúsay, mapahandúsay: Pandiwa
  • • handusáy, nakahandúsay: Pang-uri

han•du•sáy

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nakahigâ dahil sa pagkawalâ ng lakas o málay.
Katawang handusáy ng aking asawa ang nadatnan ko sa sofa pagkauwi ng bahay.
BULAGTÂ, TIMBUWÁNG

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?