KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

han•dóg

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bagay na ibinibigay nang kúsang-loób sa isang táo.
Singsing ang handóg niya sa kasintahan.
REGÁLO, PRESENT, ÁLAY

2. Pag-aalay ng dasal sa mga santo at iba pang kinikilalang makapangyarihan o banal.
Pag-aayuno ang handóg niyang sakripisyo sa Inang Birhen.
KALOÓB, OPRÉNDA

Paglalapi
  • • paghahandóg, panghandóg: Pangngalan
  • • handugán, ihandóg, ipanghandóg, maghandóg, magpahandóg, paghandugán: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?