KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•gal•hál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Biglang pagbulálas ng táwa; malakás na táwa.
Dinig hanggang kapitbahay ang hagalhál ng aking mga panauhin.
HALAKHÁK, HAGALPÁK

2. Malakás na tunog ng pagbagsák ng tubig mula sa itaas.
Nakahahalinang pakinggan ang hagalhál ng tubig sa talon ng Pagsanjan.
LAGASLÁS

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?