KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•bág

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang awá
Ang habág na nadama niya sa kabiguan ng anak ay gayon na lámang.

Paglalapi
  • • kawaláng-habág, pagkahabág: Pangngalan
  • • habagín, ikahabág, mahabág, nahabág, naháhabág: Pandiwa
  • • kahabág-habág, kinákahabagán, mahabagín, nakaháhabág: Pang-uri
Idyoma
  • lawitán ng habág
    ➞ Kaawaan, tulungan.
    Lawitán ng habág ang mga batang ulilang gagalà-galà sa lansangan.
  • nagdaláng-habág
    ➞ Naawa.
    Nagdaláng-habág ang mayamang matanda na tulungan ang mga nasalanta ng bagyo.

há•bag

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Ifugáw
Kahulugan

Ilahas na manok.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?