KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•wa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kulay o dumíng nasalin sa anuman (gaya ng mantsa sa damit).
Masagwang tingnan ang háwa sa damit na putî.

2. Pagkálat at pagkapit ng anumang karamdaman mula sa isang táo túngo sa isa pa.
Umiwas ka sa háwa ng sakít na bulutong.
LÁLIN, IMPEKSIYÓN, LÁNIT

3. Sinasabí sa mga manugang na hindî katutubò sa angkan o pamilya.

Paglalapi
  • • pagkakaháwa: Pangngalan
  • • hawáhan, humáwa, iháwa, magháwa, mahawáhan, maháwa, mangháwa: Pandiwa
  • • nakahaháwa: Pang-uri
Idyoma
  • háwang-lamíg
    ➞ Hindi tunay na kamag-anak.
    Háwang-lámig lámang si Lani pero itinuturing pa rin namin siyáng tunay na kapamilya.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?