KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•tol

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbibigay ng pasiya ng hukuman sa kaso.
Malaláman pa búkas ang hátol ng hukóm sa kaniyang káso.
DESISYÓN, SENTÉNSIYÁ, HUSGÁ

2. Desisyon ng mga hurádo sa paligsáhan.

3. Tingnan ang pangáral

4. Paalala ng manggagámot sa maysakit.
PÁYO, TAGUBÍLIN

Paglalapi
  • • kahatúlan, paghátol, tagahátol: Pangngalan
  • • hatúlan, hinatúlan, hinátol, humátol, ihátol, maghátol, magpahátol, mahatúlan, pahatúlan: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?