KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•bi

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagyarí ng téla; pagbuo ng bagay o disenyo gamit ang pinagsalit-salit na sinulid o hibla.
Mabilis at maganda ang hábi ng baróng-tagalog.

2. Paglikhâ ng mga bagay na hindi totoo.
Nakatatakot ang hábi ng kuwento tungkol sa mga batà.

Paglalapi
  • • habíhan, manghahábi, paghábi, pagkahábi: Pangngalan
  • • habíhin, hinábi, humábi, ihábi, ipahábi, magpahábi, pahabíhin: Pandiwa
  • • hinábi: Pang-uri
Idyoma
  • humábi ng katwíran
    ➞ Lumikha ng mga katwirang hindi totoo o gawa-gawa lámang.
    Humábi ng katwíran ang mga mag-aaral kayâ nakalusot silá sa púnong-gurò ng kanilang paaralan.
  • hábi ng dilà
    ➞ Mga balitang hindi totoo; tsismis.
    Huwag mo siyang paniwalaan, sapagkat ang ibinalita niya sa iyo ay isang hábi ng dilà lámang.

há•bi

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Yaring katulad ng sa káyo.
Hábi sa pinya ang baróng-tagalog ko.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?