KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gu•ló

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang kawalan ng kaayusan sa anyo, pagkakatipon, yarì, atbp.
SALIGAWSÁW

2. Anumang nakagagambala sa karaniwang payapang kapaligiran.
SALIGAWSÁW

Paglalapi
  • • kagulúhan, pagkakaguló: Pangngalan
  • • ginuló, guluhín, gumuló, magkaguló, magpaguló, maguluhán, maguló, makaguló, mangguló, paguluhín: Pandiwa
  • • gulóng-guló, maguló, mapangguló: Pang-uri
Tambalan
  • • kagulúhang-báyanPangngalan

gu•ló

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Wala sa wastong kaayusan.
Guló ang mga gámit sa kusina at sála pagkatapos ng selebrasyon.

2. Punô ng kalituhan o ligalig.
Guló ang isipan niya dahil wala pa siyang pambayad sa matrikula.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?