KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ga•yák

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang palamutî

2. Pagkakaayos at pagkakabihis ng isang tao (lalo na para sa isang okasyon).
Bongga ang gayák niya ngayon para sa party.
KASUÓTAN, BISTÍ

3. Paghahanda sa pag-alis (kung may pupuntahan).

4. Tingnan ang bálak

Paglalapi
  • • kagayákan, paggagayák, paggayák: Pangngalan
  • • gayakán, gumayák, igayák, maggayák, makigayák: Pandiwa
Idyoma
  • igayák ang loób
    ➞ Ihanda ang sarili.
    Dapat mong igayák ang loób ng iyong nanay sa operasyon ng iyong ama.

ga•yák

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nakahanda nang umalis upang pumunta sa isang pook.
Kanina pa siya gayák na gayák sa lakad ninyo.

2. Nakabihis na.
Alas-tres pa ang party, pero gayák na si Rick.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?