KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ga•wâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paggamit ng isip at katawan upang matupad ang isang layunin.

2. Anumang pinagkakaabalahan, ginugugulan ng lakas, o pinaglalaanan ng oras.
AKSIYÓN, ÁKTO, KÍLOS

3. Bagay na nalikha o ibinunga ng isang tiyak na kilos.

4. Pagtupad sa tungkulin.

5. Tingnan ang akdâ
SUMIKAT ANG KARAMIHAN SA MGA GAWÂ NG PABORITO KONG MANG-AAWIT.

Paglalapi
  • • gawáan, gawáin, kagagawán, manggagawà, pagawáan, paggawâ, pagkakagawâ, pagsasagawâ, panggawâ: Pangngalan
  • • gawán, gawín, gumawâ, igawâ, isagawâ, makagawâ, mapagawâ: Pandiwa
  • • mapaggawâ: Pang-uri
Idyoma
  • kúlang sa gawâ
    ➞ Hindi natutupad ang sinasabi.
    Kúlang sa gawâ ang táong iyan kayâ huwag mo siyang asahan.
  • hindî gawáng táo
    ➞ Masamáng kagagawan na maaaring mahiwaga.
    Dalhin mo siya sa magaling na albularyo dahil hindî gawáng táo ang nararamdaman niya.
  • waláng gawáng mabúti
    ➞ Mapanlikha ng gulo o palaaway.
    Huwag kang makibarkada sa waláng gawáng mabúti.
  • waláng magawâ
    ➞ Walang ibang magawa kundi mga kalokohan.
    Waláng magawâ ang táong 'yan kayâ ka tinutukso.

ga•wâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nayarì o nakompone na.
Maaari ka nang manood ng telebisyon sa sála dahil gawâ na ito.

2. Bunga ng lakas o kapangyarihan.
Maraming natumbang punò ng saging na gawâ ng malakas na bagyo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?