KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gá•lit

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Matinding damdámin ng pagsalungat, hinanakit, o pagkayamot.
Nagsimula ang gálit niya sa anak nang sagutín siya nitó nang pabaláng.
MUHÌ, POÓT, INÍS

Paglalapi
  • • kagalít, kagalítan, pagkagálit, pagpapagálit: Pangngalan
  • • galítin, ikagálit, magkagálit, magpagálit, magálit, makagalítan, makagálit, makapagpagálit, manggálit, mapagálit, pagalítin: Pandiwa
  • • galít, kagálit-gálit, magagalitín, nakagagálit: Pang-uri
  • • pagalít: Pang-abay
Idyoma
  • sumikláb ang gálit
    ➞ Biglang nagalit nang matindi.
    Sumikláb ang gálit ng ama sa anak nang sagutin niya ito nang pabalang.

ga•lít

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Masamâ ang loob dahil sa anumang natanggap na hindi kanais-nais o kamaliang ginawa ng kapuwa (lalo na kung may kaaway).
NAPOPOÓT

Paglalapi
  • • pagkakagalít: Pangngalan
  • • magkagalít: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?