KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

eks•tén•si•yón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
extension
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

1. Pagpapahaba sa takdang panahon.
Nagkaroon ng ekstensiyón ang laban ng dalawang koponan dahil sa parehong puntos.

2. Pagpapatuloy ng anumang itinigil.
Pumayag ang namamahala sa ekstensiyón ng palabas dahil sa hiling ng madla.

3. Pagdaragdag ng pisikal na bahagi.
Nagpalagay akó ng ekstensiyón sa kusina ng bahay.

4. Tingnan ang palúgit
Bigyan mo siyá ng isang buwang ekstensiyón upang makabayad ng utang.

5. Dugtong na kawad.
Mahaba ang ekstensiyóng dalá ko kayâ aábot 'yan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?