KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

di•bis•yón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
divisíon
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Pagbabahagi o pagkakahati.
Dalawang hati lámang ang dibisyón ng bahay ko.

2. Anumang pisikal na estrukturang humahati.
Pader lámang ang dibisyón ng bahay naming magkapatid.

3. Mas maliit na pangkat ng malaking organisasyon.
Nabibílang ako sa dibisyón ng akawnting.
SANGÁY, YÚNIT, DEPARTAMÉNTO

4. MATEMATIKA Operasyon ng paghahati sa bílang ng kabuoan sa pamamagitan ng "÷" na simbolo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?