KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

de•pó•si•tó

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. KOMERSIYO Perang inilagak sa bangko.

2. Anumang ibinigay bílang panagot o bahagi ng kabuoang bayad.

3. Dákong pinagtataguan o pinag-iimbakan ng anuman.

4. Likás na pagkakatipon ng buhangin, bató, at mga mineral.

5. Mga bagay na naipon sa paraang nakatambak.
DEPÓSIT

Paglalapi
  • • idepósitó, deposituhán, magdepósitó: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?