KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

da•lá•ngin

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Taimtim na pag-uukol ng kahilingan nang pribado o bílang bahagi ng seremonya (lalo na kung para sa relihiyon).
Dininig ng Diyos ang kaniyang dalángin na magkaroon ng magandang trabaho.
DASÁL, PANALÁNGIN, PANGADYÍ, PLEGÁRYA

2. Anumang hinihiling ng kalooban.
Ang dalángin ko, mapatawad mo siya sa nagawa niyang kasalanan.
HANGÁD, HANGÁRIN, LUNGGATÎ, PANGÁRAP

Paglalapi
  • • dalangínan, panalángin: Pangngalan
  • • dumalángin, idalángin, manalángin: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?