KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dú•da

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Tingnan ang alinlángan
May dúda ako sa mga pinagsasabi niya.

Paglalapi
  • • pagdudúda: Pangngalan
  • • magdúda, pagdudáhan: Pandiwa
  • • mapagdúda: Pang-uri

dú•da

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Hindi nakatitiyak (kung tunay, talagang magaganap, atbp.).
Dúda akó na matutuloy ang pagdiriwang.

2. Naghihinala.
Dúda akó sa mga ikinikilos ng batang iyan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?