KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bu•rá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
borrar
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Pagpawi ng marka ng isang kasangkapang pansulat sa anumang rabáw.

2. Tawag din sa nagresultang puwang dito.

3. Pagkaalis sa isípan.

Paglalapi
  • • pagburá, pagkakaburá, pamburá: Pangngalan
  • • burahín, ipaburá, maburá, magburá, paburahín: Pandiwa
  • • burádo, naburá: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?