KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bi•tu•ín

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. ASTRONOMIYA Napakalaking bola ng plasma sa kalawakan na lubhang malayò sa Daigdig kung kayâ ay natatanaw lámang bílang kumikislap na tuldok sa kalangitan.
TALÀ, ESTRÉLYA

2. Tawag din sa mga hugis na kumakatawan dito na karaniwang may limang patulis na bahagi.

Idyoma
  • isinílang na may kakambál na bituín
    ➞ Ipinanganak na mapalad
  • nagbibiláng ng bituín
    ➞ Paghahangad ng isang bagay na mahirap matamo.

bi•tu•ín

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Artistang gumaganap ng pangunahing papel sa anumang palabas.

2. Sinumang nangunguna sa alinmang propesyon o gawain.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?