KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•tak

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang hátak

Paglalapi
  • • pagbátak: Pangngalan
  • • batákin, bumátak, mabátak, magbatakán: Pandiwa
  • • baták: Pang-uri

ba•ták

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nakahila nang maigi.

2. Nauukol sa táong sanáy sa hírap o trabaho.
BANÁT, UNÁT

Idyoma
  • baták ang katawán
    ➞ Malakas at sanáy sa paggawa.
    Baták ang katawán ni Celo sa anumang mabigat na gawain.
  • binátak na lámang
    ➞ Ginawan na lámang ng paraan upang makalampas.
    Kayâ siya pumasá sa eksamen ay sapagkat binátak na lámang ang kaniyang marká.
  • binátak ang katawán
    ➞ Sinanay ang katawan sa paggawa o pagtatrabaho.
    Binátak ko ang aking katawán sa pag-aararo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?