KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bang•háy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Plano o balangkas sa paggawa ng isang bagay.
BORADÓR

2. Daloy ng isang salaysay sa kabuoan.

Paglalapi
  • • pagbangháy: Pangngalan
  • • banghayín: Pandiwa

bang•háy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

LINGGUWISTIKA Pagbabago ng anyo ng isang salitáng pandiwa alinsunod sa tinig, panauhan, bílang, at aspekto.

Paglalapi
  • • palabangháyan: Pangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?