KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•há•gi

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Isa sa mga hatì o sangkap ng isang kabuoan (na maaaring entidad, pangyayari, o abstraksiyon).
PARTÉ, SEGMÉNTO

2. Kaunting halaga ng pera na ibinibigay mula sa mas malaking halaga; karaniwang iniuukol sa isang tao na tumulong sa pagtupad ng transaksiyon.
KOMISYÓN, PORSIYÉNTO, SÓSYO, ÁMOT, PARTÉ

3. Tingnan ang dáko

4. Gampanin ng isang tao sa anumang gawain na nilalahukan ng iba.
TUNGKÚLIN, TRABÁHO

Paglalapi
  • • kabahági, pagbabahági, pagkakabahagì, pakikibahági, pamahági, pamamahagì : Pangngalan
  • • bahagínan, makabahagì, makibahági, mamahági, pagbabahagínan: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?