KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•on

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Anumang bagay na dinadalá kapag patúngo sa ibang pook upang magamit (lalo na kung pera, pagkain, at damit).
Kay Jason sila humingi dahil marami siyang báon.
ALÁWANS

Paglalapi
  • • baunán, pabáon: Pangngalan
  • • baúnin, ibapabáon, magbáon, magpabáon, pabaúnan: Pandiwa
  • • pambáon: Pang-uri

ba•ón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglalagay ng anuman sa isang hukay at sakâ ay tatabunan ng lupa upang makubli.

2. Pagtusok ng anumang bagay na matulis (gaya ng pakò) sa isang materyales.

Paglalapi
  • • mabaón, maibaón, mapabaón: Pandiwa

ba•ón

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nakaturok (ang anumang bagay na matulis) sa isang materyal.

2. Lubog sa anuman.

Idyoma
  • baón sa útang
    ➞ Napakaraming útang.
    Hanggang hindi mo iniiwan ang sugal ay lagi kang nakabaón sa útang.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?