KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bí•lin

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang sinabi sa iba upang tandaan (lalo na kung aalis ang nag-ukol).
Bílin ng ina sa anak na huwag magpapasok sa bahay ng hindi kilala.
PAALÁLA

2. Tingnan ang útos
Sundin ang bílin ng Pangulo.

3. Anumang hinihiling na bilhin o iuwi.
Limang kilong asukal ang bílin ng maybahay.

Paglalapi
  • • pabílin : Pangngalan
  • • magbílin, magtagubílin: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?