KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•kas

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pinagsáma-sámang pera sa isang gawain na maaaring magdulot ng pagkatálo nitó, gaya ng negosyo at sugal.
SÓSYO

Paglalapi
  • • bakásan, pagbabákas: Pangngalan
  • • bumákas, ibákas, magbákas, makabákas, makibákas, pabakásan, pabakásin: Pandiwa
  • • magkabákas: Pang-uri

ba•kás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Marka ng anuman, lalo na ng yapak o ng paghawak.
Kitang-kita ang bakás ng paa mo sa makintab na sahig.
DASTÔ

2. Tanda ng pagkakakilanlan ng anumang nakalipas na.
Hindi mawawala ang bakás ng mahuhusay na tao sa kasaysayan.
LABÍ, TRÁSA

Paglalapi
  • • bakasín, mabakás: Pandiwa
Idyoma
  • sumunód sa bakás ng amá
    ➞ Tumulad sa ama, nagmana sa amá.
    Sa tatlong anak ni Dr. Santos, si Karyo lámang ang sumunód sa bakás ng amá.
  • bakás ng kahápon
    ➞ Palatandaan o alaala ng lumipas.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?