KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

an•yá•ya

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paghiling sa kapuwa na makilahok sa isang aktibidad, dumalo sa isang okasyon, o tumúngo sa isang pook.
IMBITÁ, KUMBIDÁ, KÁYAG, ALÓK

Paglalapi
  • • paanyáya, pag-anyáya: Pangngalan
  • • anyayáhan, inanyayáhan, mag-anyáya, magpaanyáya, paanyayáhan, umanyáya: Pandiwa

an•ya•yà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang kapahamakán

2. Paglubha ng isang súgat.

Paglalapi
  • • panganyayà: Pangngalan
  • • ipanganyayà, mapanganyayà: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?