KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

am•bág

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bagay o salaping ibinibigay sa isang koleksiyong panlahat.
Nagbigay ka na ba ng ambág mo para sa salusalo?
KONTRIBUSYÓN

2. Anumang punyagi o gampaning ipinagkakaloob para sa katuparan ng isang hangarin.
Walang katulad ang mga ambág ni Chomsky sa pagpapaunlad ng lingguwistika.

3. Orihinal na akdang isinumite upang mailathala sa isang publikasyon.
KONTRIBUSYÓN

Paglalapi
  • • ambágan, tagaambág: Pangngalan
  • • ambagán, iambág, inambág, mag-ambág, umambág: Pandiwa
  • • mapág-ambág, palaambág: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?