KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ak•lát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pisikal na katipunan ng mga páhináng ipinagdikit sa loob ng isang pabalát sa layuning mabása o masulatan.
Maraming aklát sa bahay namin dahil mahilig magbasá ang tatay ko.

2. Anumang pasulat na teksto na nailathala sa limbágan o elektronikong anyo.
Nabása mo na ba ang aklat na "Frankenstein"?
LIBRÓ

Paglalapi
  • • aklátan, mang-aaklát, paaklátan, talaaklátan: Pangngalan
  • • aklatín: Pandiwa
  • • makaaklát: Pang-uri
Idyoma
  • bukás na aklát
    ➞ Hayág o alam ng lahat.
    Ang búhay ko ay isang bukás na aklát sa lahat.
  • aklát ng búhay
    ➞ Kasanayan ng búhay.
    Sa iyong pagtanda, babalik-balikan mo ang iyong aklát ng búhay.
Tambalan
  • • aklát-dasálanPangngalan
  • ➞ Aklat na naglalaman ng iba’t ibang dasal na karaniwang ginagamit o binabása kung nagsisimba.
  • • aklát-katitikánPangngalan
  • ➞ Aklat ng mga talâ sa isang púlong na karaniwang naglalahad ng petsa at lugar nitó, mga dumalo, at ang adyénda.
  • • aklát ng cashPangngalan
  • ➞ Aklat na pinagtatalaan ng perang tinatanggap at ibinabayad.
  • • aklát-pampaaralánPangngalan
  • ➞ Aklat na ginagamit sa mga paaralan.
  • • aklát-sanáyanPangngalan
  • ➞ Aklat na ginagamit na pamatnubay sa gawain ng mag-aaral na naglalaman ng iba’t ibang kaalaman, mga tanong, at iba pang uri ng pagsasanay.
  • • aklát-taláanPangngalan
  • ➞ Aklat na pinaglilistahan ng anumang bagay na dapat itala (gaya ng mga marka ng mag-aaral atbp.).
  • • aklát-talaarawánPangngalan
  • ➞ Talaan ng pang-araw-araw na gawaing makabuluhan sa isang tao.
  • • aklát-tuúsan Pangngalan
  • ➞ Aklat na pinagtatalaan ng mga kuwenta at iba pang unawaang pangkalakalan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?