KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•ni•wa•là

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
pa•ni•ni•wa•là
Kahulugan

1. Palagay o kurò-kurò tungkol sa isang bagay.
PANININDÍGAN, POSISYÓN

2. Pananalig o pagtitiwalà sa katotohanan ng anuman (lalo at tungkol sa pananampalataya sa Diyos).

3. Pagkilala o pagtanggap sa sinasabi ng kápuwâ.

Paglalapi
  • • paniniwalà: Pangngalan
  • • maniwalà, mapaniwalà, mapaniwalà, paniwaláan, papaniwaláin, pinaniwalà: Pandiwa
  • • kapaní-paniwalà, mapaniwalaín, mapaniwalà: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?