KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•ná•gu•tan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
pa•na•ná•gu•tan
Kahulugan

Túngkulin na dapat gampanan dahil sa posisyon, relasyon, o sitwasyong kinalalagyan; anumang resulta ng kilos o desisyon sa aspéktong moral, legal, o sosyal.
SÁGUTIN, KATUNGKÚLAN, KOMPROMÍSO, RESPONSABILIDÁD, PODÉR

pa•na•gu•tán

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Kahulugan

1. Balikatin ang anumang mangyayari o ibubunga ng isang gawain.
Kaya kong panagután ang kalugihan ng kompanya.
SAGUTÍN

2. Seguruhing talagang totoo, tiyak, mapanghahawakan, atbp.
Panagután mo ang pagdalo ng ating alkalde.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?