KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•lú•git

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang panahong idinagdag sa takdang araw na napagkasunduan upang makatupad sa tungkulin o pananagutan (gaya ng sa utang, buwis, atbp.).
Limang araw ang palúgit sa pagtubos ng lupang isinangla.
EKSTENSIYÓN, PLÁSO

2. Paglamáng sa kalaro (lalo na sa karera).

3. Puwang sa gilid ng anumang nakasulat o nakalimbag sa isang pahina.
Lagyan mo ng palúgit ang isusulat na sanaysay upang magmukhang pormal.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?