KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

á•so

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Hayop (Canis lupus familiaris) na may balahibo, apat ang paa, at karaniwang inaalagaan; sa kulturang Pilipino, napakikinabangan sa pagbabantay ng bahay at pangangaso.
ÁYAM

Paglalapi
  • • mangangáso, pangangáso : Pangngalan
  • • mangáso: Pandiwa
Idyoma
  • párang áso at pusà
    ➞ Laging nag-aaway.
    Siná Mark at Tirso ay párang áso at pusà kapag nagkatabi.
  • párang ásong ulól
    ➞ Palaaway.
    Hindi dapat pakitunguhan ang táong párang ásong ulól kung magálit.
  • párang ásong may tangáy na butó
    ➞ Táong walang tigil sa kauungol kapag hindi na tama sa loob ang ipinagagawa sa kanila.
  • párang ásong nahagísan ng butó
    ➞ Biglang tumahimik; tumigil sa kasasalita.
  • maínam na áso
    ➞ Matapat na bantay.
  • dugóng-áso
    ➞ Taguri sa sinumang mainam mamanginoon.
  • buntót-áso
    ➞ Laging kasunod, laging kakabit saanman pumaroon.
    Si Carlos ay buntót-áso kay Leonor.
  • ásong-puntóy
    ➞ Táong malaswâ o kayâ mapaggawa ng kabastusan.
Tambalan
  • • lipáng-ásoPangngalan

a•só

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Parang ulap na singaw ng anumang nasusunog.
ÚSOK

Paglalapi
  • • paasó, paasúhan: Pangngalan
  • • magpaasó, paasuhán, umasó: Pandiwa
  • • maasó: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?