KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

í•sip

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bahaging taglay ng tao na ginagamit sa pag-unawa at pagtanda sa anumang bagay.

2. Tingnan ang baít

3. Tingnan ang opinyón

4. Tingnan ang talíno

5. Tingnan ang intensiyón

Paglalapi
  • • kaisipán, pag-iísip, pagkaísip, paláisipán : Pangngalan
  • • isípin, mag-isíp, mag-isíp-isíp, makaísip, maísip, pag-isípan, umísip: Pandiwa
  • • mapág-isíp, palaisíp, pangkaisipán: Pang-uri
Idyoma
  • búngang-ísip/katháng-ísip
    ➞ Likha ng talino.
  • ísip-lamók
    ➞ Walang talino o mahina ang pang-unawa.
  • matálas ang ísip
    ➞ Marunong, matalino.
    Matálas ang ísip ng kaniyang anak.
Tambalan
  • • abót-ísip, katháng-ísip, lamáng-ísipPangngalan
  • • bukás-ísip, ísip-batàPang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?