KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

á•gos

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. (Sa isang likido) tuloy-tuloy na pagdaloy sa isang láwas o sisidlan.

2. Galaw ng tao o mga bagay na sabay-sabay, nakapangkat, at patúngo sa iisang direksiyon.

Paglalapi
  • • pag-ágos, páagusán: Pangngalan
  • • agúsan, inágos, paagúsan, umágos: Pandiwa
  • • maágos: Pang-uri
Idyoma
  • sumunod sa ágos, patangay sa ágos
    ➞ Padala sa takbo ng mga pangyayari o sumunod sa kagustuhan ng karamihan.
    Sunod-sunuran sa ágos ang maraming tao ngayon.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?