KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

pa•pél de-lí•ha


Pangngalan
papel de lija
Espanyol

Tingnan ang líha

pa•pél de báng•ko


Pangngalan
papel de banco
Espanyol

Lumang tawag sa perang papel.

pa•pél


Pangngalan
Espanyol

1. Materyal na yarì sa himaymay ng kahoy, karaniwang maninipis na pilyeyong sinusulatan o pinaglilimbagan.

2. Anumang bahaging isinasagawa ng táong gumaganap sa isang pagtatanghal o trabaho.
GAMPÁNIN, TUNGKÚLIN, TRABÁHO, PARTÉ

  • • isapapél, magkapapél, magpapél, papelán, pumapél: Pandiwa
  • • mapapél: Pang-uri
  • basâ ang papél
    ➞ Hindi na pinaniniwalaan o pinagtitiwalaan.
  • malakí ang papél
    ➞ May malaking kaugnayan o impluwensiya.
  • sirâ ang papél
    ➞ May masamáng reputasyon.
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ipinagdiriwang ngayong Setyembre ang ika-126 Buwan ng Lingkod Bayan bilang pagpupugay sa higit dalawang milyong kawaní ng pámahalaán