KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

lá•gak


Pangngalan

1. Pansamantalang paglalagay ng anumang bagay sa isang tiyak na lugar.

2. Pansamantalang pag-iiwan ng anumang bagay sa pangangalaga ng isang tao.
HABÍLIN

3. Anumang pansamantalang iniwan sa isang lugar o sa pangangalaga ng isang tao.
SANGLÂ

4. KOMERSIYO Pagdedeposito ng pera sa bangko.

5. KOMERSIYO Perang inilalagay sa bangko.

  • • lagákan: Pangngalan
  • • ilágak, lagakán, lumágak, maglágak, magpalumágak, magpalágak, mailágak, malágak, paglagákan: Pandiwa

lá•gak


Pangngalan

Tingnan ang palatandáan

lá•gak


Pang-uri

Pansamantalang inilagay sa isang lugar o ipinagkatiwala isang tao.
Kinuha na ni Maria ang lágak niyang paninda.

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ipinagdiriwang ngayong Setyembre ang ika-126 Buwan ng Lingkod Bayan bilang pagpupugay sa higit dalawang milyong kawaní ng pámahalaán