KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

a•la•gád


Pangngalan

1. Táong sumusunod sa isang tiyak na pinunò.
ALIPÓRES, APOSTÓL, BASÁLYO, TAGASUNÓD, TAÚHAN, KAMPÓN

2. Tingnan ang tagapágtagúyod

a•la•gád ng Diyós


Pangngalan
alagád+diyós

TEOLOHIYA Táong may tungkulin na nauugnay sa relihiyon (gaya ng pari, pastor, ministro, atbp.)

a•la•gád ng ba•tás


Pangngalan
alagád+batás

BATAS Táong may tungkuling magpatupad ng batas para sa kapakanan ng bayan (gaya ng mga pulis, sundalo, atbp.).

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.