KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

bí•lin


Pangngalan

1. Anumang sinabi sa iba upang tandaan (lalo na kung aalis ang nag-ukol).
Bílin ng ina sa anak na huwag magpapások sa bahay ng hindi kilala.
PAALÁLA

2. Tingnan ang útos
Sundin ang bílin ng Pangulo.

3. Anumang hinihiling na bilhin o iuwi.
Limang kilong asukal ang bílin ng maybahay.

  • • pabílin : Pangngalan
  • • magbílin, magtagubílin: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ipinagdiriwang ngayong Setyembre ang ika-126 Buwan ng Lingkod Bayan bilang pagpupugay sa higit dalawang milyong kawaní ng pámahalaán