KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tu•wí•ran

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
tuwíd+an
Kahulugan

1. Walang anumang namamagitan dahil nakadikit, walang puwang, o iba pang katulad na kalagayan.

2. Umaábot o gumagalaw sa paraang tumutúngo agad sa ibig na dáko o sa isang linya na walang baluktot.
DIRÉKTA, DERÉTSO

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.