KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ti•tî

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagpapatuyô sa sisidlang pinanggagalingan ng likido sa pamamagitan ng patiwarik na paglalagay nitó sa pinagtataguan ng kasangkapan.

ti•tì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ANATOMIYA Tingnan ang úten

ti•tî

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nauukol sa pagkatuyô ng sisidlang pinanggalingan ng likido.

Paglalapi
  • • pagpapatitî: Pangngalan
  • • magpatitî, patitiín: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.