KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tá•pos

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkayarî ng anumang ginagawa.

2. Pagwawakas ng anumang idinaraos.

Paglalapi
  • • katapusán, pagtatápos, panapós: Pangngalan
  • • ipatápos, magtápos, matápos, tapúsin: Pandiwa
  • • pangkatapusán, tapós: Pang-uri
  • • pagkatápos : Pang-abay

ta•pós

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nagawa o nabuo na.
Huwag nang ungkatin ang mga bagay na tapós na.
HUMÁN, KOMPLÉTO, PUSPÓS

2. Nagwakas na.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.