KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•ngà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Alinman sa mga insektong (ordeng Lepidoptera) sumisira ng damit, alpombra, mga ugat at bunga ng halaman, atbp.

ta•ngà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagbabawal na may habiling kaparusahan.
BABALÂ

ta•ngá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagiging tulala ng sinuman.

Paglalapi
  • • mapatangá, matangá, tumangá-tangá: Pandiwa
  • • nakatangá: Pang-uri

ta•ngá

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tingnan ang tunggák

Paglalapi
  • • katangahán: Pangngalan
  • • tangá-tangáhan: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.