KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tú•kod

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Putól ng kahoy, bakal, atbp. na ipinang-aalalay sa isang bagay upang hindi bumagsak.
Lagyan mo ng túkod ang bintana.
BRÁKET, HALÍGI, SÚHAY, SUSTINÉ, TALÚKOD

Paglalapi
  • • pantúkod : Pangngalan
  • • itúkod, magtúkod, tukúran: Pandiwa

tú•kod

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nauukol sa kalagayan ng trapiko na magkakadikit na ang bumper ng mga sasakyán.
Trapik pa-Bicol, túkod pa rin.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.