KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sut•sót

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paglikha ng tunog na "pssst" upang makatawag ng pansin na nalilikha sa pagpapalabas ng hangin sa bibig na pinatutulis nang bahagya.
PASWÍT, SÍPOL, SITSÍT

Paglalapi
  • • pagsutsót: Pangngalan
  • • sutsután, sumutsót, pasutsután: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.