KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sul•sól

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsasabi sa kapuwa ng mga bagay na ikalalalâ ng gálit niyon sa isang kinaiinisan.
HIBÒ

2. Pag-uudyok ng masamâ sa kapuwa.

3. Pagpapaliyab ng apoy.

4. Pagbabaón nang bahagya sa lupa o sa abo (kung nagtatanim ng maliit na halaman at kung nag-iihaw ng kamote sa bága).

Paglalapi
  • • manunulsól, pagsusulsól, tagasulsól: Pangngalan
  • • ipanulsól, isulsól, magpasulsól, magsulsól, manulsól, masulsulán, sinulsulán, sulsulán, sumulsól: Pandiwa
  • • mapanulsól : Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.