KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sin•sáy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglihis o kusang pag-iwas sa nilalakarang daan.

2. Paglabag o hindi pagsunod sa dapat mangyari.

3. Anumang mali o hindi dapat mangyari.
Sinsáy sa kautusan ng Diyos ang mga ginagawa niya.

4. Pagdaan sa isang lugar bago tumuloy sa patutunguhan.

sin•sáy

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tingnan ang malî

Paglalapi
  • • suminsáy: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.